| Gobyerno Dapat Mag-Text Na Rin |
|
|
|
| Columns - Ike Señeres | |||
| Written by Ike Seneres | |||
| Sunday, 23 May 2010 09:27 | |||
|
Bantay Gobyerno (Series 022) Ni Ka Iking Seneres Gobyerno Dapat Mag-Text Na Rin Sa dami ng mga Pilipino na gumagamit ng cell phone, panahon na para sa gobyerno na gumamit na rin ng text messaging upang mapalaganap at mapaganda ang kanilang serbisyo sa publiko. Ang mga tao ay sanay na na mag-text sa kapwa tao. Ang mga kawani naman ng gobyerno ay mga tao rin, kaya sanay na rin silang mag-text sa kapwa nila tao. Ang gobyerno ay hindi tao, ngunit marami naman silang mga kawani, mga taong sanay na rin mag-text sa kapwa tao. Masaklap man sabihin, hindi pa nagagamit ng tama ng gobyerno ang simpleng technology ng telepono. Kahit ngayon na uso na ang mga call center at malaking bahagi na ito ng Business Process Outsourcing ( Subukan mong tumawag sa kahit anong ahensiya ng gobyerno, at ipapasa-pasa ka lang sa iba’t ibang tao hanggang sa mapagod ka na. kung may makasagot man, sasabihin niyang hindi niya alam ang sagot sa tanong mo, o di kaya sasabihin niyang absent ang in-charge kaya tumawag ka na lang ulit. Marami na rin ang ahensiya ng gobyerno na gumagamit ng 4 digit SMS gateway, katulad ng GSIS 4747, PHILHEALTH 2960 at PIA 1345. Sinubukan ko ang tatlong ito at walang nag-reply. May combined service ang gobyerno sa 2920, at doon may nag-reply. Ang problema sa 4 digit number, may bayad pa na 2.50 pesos, kaya ang dating, nagiging negosyo pag-bibigay ng serbisyo ng gobyerno. Ang pangit ng dating di ba? D alawang ahensiya lamang ng gobyerno ang alam ko na may 11 digit SMS number (hindi gateway at piso lang ang bayad). Ito ang Tao ang sumasagot sa numero ng May mga software na ngayon kung saan maari nang sumagot ang isang kumpanya na pribado o di kaya isang ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng text. Nakakabit na ito sa computer, kaya madali na ring pagsamahin ang pagsagot ng computer sa automated na paraan, ngunit may kasama pa rin na pagsagot ng tao sa manual na paraan. Automated man o manual, dapat na talaga na ang gobyerno ay gumamit na ng text messaging, upang mapabilis at mapadali ang kanilang serbisyo sa mga tao. Dahil pangit ang dating, huwag na sana gumamit ang gobyerno ng 4 digit gateway number. Tama na na kumita ang gobyerno sa taxes, huwag na silang doble kita kung may kita pa sila sa text. Kung gusto nila ng software, willing naman ako na tulungan sila.
Mag-sumbong kayo kay Ka Iking kung may nakikita kayong kamalian sa gobyerno. Lahat tayo ay dapat mag Bantay Gobyerno! Mag text kayo sa +639293605140 o di kaya mag-email kayo sa
Newer news items:
Older news items:
|
|||
| Last Updated on Sunday, 23 May 2010 09:46 |
Salute to the Magnificent 11
Y ou may agree that the 80-20 calls a spade a spade.
When government offi...
New Stool Test for Cancer
Is it normal to have blood in your stools? Blood in the stools is never normal. ...