| Bantay Gobyerno (Series 020) |
|
|
|
| Columns - Ike Señeres | |||
| Written by Ike Señeres | |||
| Saturday, 22 May 2010 12:26 | |||
|
Ni Ka Iking Señeres From I to ang sulat sa akin ni Julie Sarmiento, isang OFW sa M atagal na akong sumusulat sa diyaryo ngunit ngayon lang ako nakatanggap ng isang liham mula sa isang reader na punong puno ng damdamin at hitik na hitik ng pagmamahal sa sariling bansa. Nangyari pa, ang liham ay nanggaling pa sa abroad. Nagulat at natuwa ako na marami pala ang nag-babasa ng Remate Tonight sa ibang bansa. Ano nga ba ang kaligayahan ng isang manunulat maliban pa sa pag-siwalat ng kanyang kaisipan? Hindi ba ito na yon, ang mainit na damdamin ng isang nagbabasa? Ang kaligayahan na ito ay hindi mabibili ng salapi. Malaki ang pasasalamat ko sa Remate Tonight na nabigyan nila ako ng pagkakataon na mailabas ang Bantay Gobyerno. Sa tingin ko, matutupad na rin ang pangarap ko na ang isang diyaryo ay magiging instrumento sa pag-mungkahi ng kaayusan sa gobyerno, para sa kapakanan ng mga taong bayan. Ano man ang sasabihin ng iba, dapat mabigyan pansin ng gobyerno ang pangamba ni Julie na nagkaroon nga ng dayaan sa eleksyon na nakalipas. Simpleng tao nga siya ayon sa kanya, si Julie ay kabilang sa maraming OFW na nagbibigay buhay sa bansa dahil sa kanilang mga remittances sa atin.
Ang layunin ng Bantay Gobyerno ay hindi manira sa mga opisyal ng pamahalaan. Ang layunin ko ay hindi maghanap ng away, kundi ang maghanap ng kabutihan para sa magandang pamamahala. Mag-sumbong kayo kay Ka Iking kung may nakikita kayong kamalian sa gobyerno. Lahat tayo ay dapat mag Bantay Gobyerno! Mag text kayo sa +639293605140 o di kaya mag-email kayo sa
Newer news items:
Older news items:
|
Salute to the Magnificent 11
Y ou may agree that the 80-20 calls a spade a spade.
When government offi...
New Stool Test for Cancer
Is it normal to have blood in your stools? Blood in the stools is never normal. ...